Monday, January 7, 2013

Renewable Energy Para sa Maalwang Kinabukasan ng Pilipinas



Mula sa Pangarap, Patungo sa Magandang Katotohanan

Simula sa taong 2013, tinataya ng Department of Energy (DOE) na mapupunan ng renewable energy ang 40 porsyento ng pangunahing pangangailangang pang-enerhiya ng bansa sa loob ng susunod na sampung taon. Ang antas ng paglago ng renewable energy ay tinatayang papatak ng 2.4 porsyeto kada taon[1]. Gayunpaman, sa loob ng panahong ito ang pambansang halaga ng renewable energy ay bababa kung ihahambing sa kabuuang halaga ng pambansang enerhiya.


Sa kasalukuyan, ang mga anyo ng renewable energy na may pinakamalalaking kontribusyon sa kabuuang enerhiya ng bansa ay ang biomass, hydro, solar at hangin. Kung isusuma, ang mga ito ay bubuo sa 27.5 porsyento ng kabuuang enerhiya. Tinatayang lalaki ang kontribusyon ng hydro at geothermal sa balanseng ito[2]; sa hinaharap ay nakikitang malaki ang papel na gagampanan ng mga ito bilang yamang-enerhiya na maaaring pagmulan ng kuryente. Katunayan, ang pinaigting na paggamit ng geothermal at hydro ang siyang nagtulak upang mabawasan ang nakasanayang paggamit ng bansa sa inaangkat na mga produktong petrolyo.


Samakatuwid, ang pagsulong ng renewable energy ay nananatiling isang mahalagang kasangkapan upang maisakatuparan ng pamahalaang pambansa ang istratehiya nito upang mapunan ang malawak na pangangailangan sa enerhiya at gayon na rin ang pagbibigay-seguridad sa energy access para sa bawat mamamayan. Ang pinalawak na paggamit ng iba pang mga anyo ng renewable energy katulad ng biomass, hydro, solar at hangin ay siyang nagsisilbing mahalagang batayan upang masaksihan ng mga mamamayan ang pagpupunyagi ng pamahalaang isulong ang elektripikasyon ng mga rural na pook.



[1] "Renewable Energy." DOE Portal. Department of Energy, 2005. Web.
[2] Ibid.

No comments:

Post a Comment