Thursday, January 17, 2013

Pagsuporta sa Renewable Energy: ang Halimbawa ng Google Green



Pananaw na Progresibo at Nakatutok sa Ikabubuti ng Kinabukasan


Bukod sa pagiging tanyag sa buong daigdig ang Google bilang isang higante sa Internet at sa larangan ng Information Technology o IT, ang Google ay isa rin sa mga pandaigdigang kumpanya na nagsusulong ng higit na malawakang paggamit at paglilinang ng renewable energy. 

Sa website ng Google Green, malinaw at detalyadong inihayag ang mga panutuntunan at pananaw ng kumpanya para sa pagtataguyod ng pag-gamit ng renewable energy, hindi lamang bilang mahalagang hakbang tungo sa pangangalaga ng kalikasan, kung hindi bilang isa na ring pagkakataong mamumuhunan, alang-alang sa ikabubuti ng kinabukasan.

Katunayan, ang kumpanya ay nagmamay-ari ng mga sasakyang pinapatakbo sa pamamagitan ng pagrerecharge sa isang 1.6 MW na solar array. May investment rin ang Google sa ilang energy company sa Estados Unidos katulad ng AltaRock Energy (na nakatuon sa pagkakabit ng mga geothermal system) at Potter Drilling, eSolar at BrightSource Energy na pawang nakatuon sa solar power, at ang Makini Power na isang wind company[1].


Sa pamamagitan ng sanga nito na Google.org, plano ng Google na magbuhos ng may US$10 milyon bilang puhunan sa mga Enhanced Geothermal System (EGS) sapagkat nakikita ng kumpanya na sa mga anyo ng renewable energy, ang geothermal energy ang siyang may pinakamalaking prospektiba para sa hinaharap[2]. Ito ay bahagi ng inisyatibo ng kumpanya na pinamagatang RE

Dagdag pa rito, bilang bahagi ng pangalawang yugto ng investment na nagkakahalaga ng US$26.5 milyon, magbubuhos rin ang Google ng US$6.25 milyon sa AltaRock Energy, at US$4 milyon sa Potter Drilling[3].


Ayon sa isang pag-aaral ng Massachusetts of Institute of Technology, ang geothermal energy ay sadyang hindi lubusang napapakinabangan ng Estados Unidos.[4] Gayunpaman, malaki ang potensyal ng geothermal energy sapagkat kaya nitong maghatid ng kuryente kapag peak hours – katulad ng mga kumbensyonal na plantang pinapatakbo ng mga fossil fuel – hindi kagaya ng hangin at solar na may mga angking limitasyon. Katulad ng naunang nabanggit, ang kahulugan ng Enhanced Geothermal System ay ang kakayahang magpahitit ng tubig sa mga maiinit na bato sa ilalim ng lupa. Ang napainit na tubig at singaw ay maaaring gamitin upang patakbuhin ang mga turbina ng planta, at  pagkatpos ay maaari muling ipahitit sa ilalim ng lupa[5]. Ayon sa Department of Energy ng Estados Unidos, maaari nitong palawigin ang kakayahan ng geothermal energy ng hanggang 40 beses[6].


Para kay Dan Reicher, direktor ng climate and energy initiatives sa Google.org, maaaring magkaroon ng mahalagang papel ang computing sa pagpapalawig ng  mga enhanced geothermal system dahil maari itong makapagbigay ng mga geological model at simulation. Aniya, "We believe that fundamentally there's an intersection between information technology and energy technology. IT and ET--that's where we are heading in part at Google."[7]




[1] LaMonica, Martin. "Google energy guru hot on geothermal." Technology News - CNET News. CNET, 14 May 2009. Web.  http://news.cnet.com/8301-11128_3-10240779-54.html
[2] LaMonica, Martin. "Google digs into wallet for geothermal energy." Technology News - CNET News. CNET, 19 Aug 2008. Web.  http://news.cnet.com/8301-11128_3-10020038-54.html
[3] Ibid.
[4] LaMonica, Martin. "MIT-led study finds geothermal energy potential untapped." Technology News - CNET News. CNET, 22 Jan 2007. Web.  http://news.cnet.com/MIT-led-study-finds-geothermal-energy-potential-untapped/2100-11395_3-6152048.html
[5] LaMonica, Martin. "Google digs into wallet for geothermal energy." Technology News - CNET News. CNET, 19 Aug 2008. Web.  http://news.cnet.com/8301-11128_3-10020038-54.html
[6] "Geothermal Technologies Program: How an Enhanced Geothermal System Works." U.S. DOE Energy Efficiency and Renewable Energy (EERE). US DOE, 11 Dec 2012. Web. http://www1.eere.energy.gov/geothermal/egs_animation.html
[7] LaMonica, Martin. "Google energy guru hot on geothermal." Technology News - CNET News. CNET, 14 May 2009. Web.  http://news.cnet.com/8301-11128_3-10240779-54.html

No comments:

Post a Comment