Friday, January 11, 2013

Ang Hangarin ng Pamahalaan Kaugnay ng Renewable Energy



Kaunlaran, Pamumuno at Kasapatan sa Pangangailangang Enerhiya


Ang layunin ng pamahalaan sa pagpapaunlad sa renewable energy ng bansa ay nakabatay sa mga partikular na hangarin para sa hinaharap. Ito ay:

  1. upang makilala ang bansa bilang pangunahing geothermal energy producer sa buong mundo,
  2. upang makilala ang bansa bilang pangunahing wind energy producer sa Timog-Silangang Asya,
  3. doblehin ang kapasidad ng hydro pagsapit ng 2013, at,
  4. palaguin ang kontribusyon ng mga enerhiyang biomass, solar, at ocean nang 131 MW.
Para sa hinaharap, ang kapasidad ng bansa na nakabatay sa teknolohiya ng renewable energy ay tinatayang maaaring umabot ng hanggang 9,147 MW pagdating ng taong 2013 – nangangahulugan ito ng 100 porsyentong pagtaas mula sa kasalukuyang antas na 4,449 MW. Ibig sabahin, aabot sa katumbas ng 4,698 MW ang kinakailangang maipatayong mga planta ng renewable energy sa loob ng sampung taon mula 2003.


Ang pagsulong ng bansa tungo sa isang hinaharap na sustainable ay isa sa mga pangunahing layunin ng pamahalaan, kung kaya’t nagisisilbing isang napakahalagang salik ang renewable energy upang makamit ang layuning ito. Ang mga patakarang binubuo kaakibat ng hangaring ito ay nakatuon sa paglikha ng isang market-based environment na kaakit-akit sa pamumuhunan ng mga mangangalakal, at sa partisipasyon ng pribadong sektor (at gayundin ang pag-engganyo ng technology transfer at pagsasaliksik). 

Ang mga pangkasalukuyang instentibong pampiskalya ay binuo na may pagkiling sa mga teknolohiya ng renewable energy at maging sa mga proyektong environmentally-friendly.
  
Isang alternatibong senaryo rin ang kinilatis kung saan pinag-aralan ang epekto ng pagkakaroon ng mas malaking bahagdan ng renewable energy sa installed generating capacity ng bansa. Ito ay nakaayon sa pagsusulong ng mga namamayaning programa at istratehiya, sa pagkilala sa mas mataas na production targets, sa paglikha ng naturang market-based environment, at sa pagkakaroon ng akses sa mga makabagong financing schemes katula ng Clean Development Mechanism (CDM).


Samakatuwid, kinikilala ng DOE na may dalawang pangunahing layuning long-term na pawang kinakailangang maisakatuparan upang maisulong ang pagpapaunlad at paggamit sa renewable energy: ang pagpapalago ng renewable energy-based capacity ng bansa nang 100 porsyento pagsapit ng 2013; at ang pagpapalago ng kontribusyong non-power ng renewable energy sa pambansang energy mix upang tumumbas sa 10 million barrels of fuel oil equivalent (MMBFOE) sa loob ng susunod na sampung taon.

Ang mga proyektong nililikha ng pamahalaan ay nakatuon sa pag-engganyo ng mas maraming mga invesment mula sa pribadong sektor. May mga programa ring nililikha upang ipagsulong ang potensyal ng mga renewable energy technology at upang makilala ang mga ito bilang alternatibo at kompetitibong anyo ng enerhiya. May 30 isla sa bansa ang nilalayong mabigyan ng kuryente sa pamamagitan ng renewable energy hybrid power system. May 1,500 mga barangay rin ang nilalayong mabigyan ng kuryente sa pamamagitan ng pagkabit ng renewable energy system.







No comments:

Post a Comment