Thursday, January 3, 2013

Kilalanin Ang Southern Bicol Geothermal Project (SBGP): Tungo sa Kaunlaran ng Bayan

SBGP: Isang Pagpapakilala 


Isa sa mga proyektong nasasailalim sa mga inisyatibo ng pamahalaan ay ang proyektong Southern Bicol Geothermal Project (SBGP), na sa hindi inaasahang mga pangyayari ay nakilala sa iba’t-ibang pangalan katulad ng Bulusan geothermal project, Bulusan geothermal plant, Bulusan geothermal, geothermal exploration Bulusan Sorsogon, at iba pa, bagamat walang tuwirang kinalaman ang Bulkang Bulusan sa proyektong ito.

Gayundin, ang Bulusan Volcano Natural Park (BVNP) ay hindi mawawasak o mapipinsala, lihis sa inaakala ng ilan. 

Layon ng proyektong alamin kung sapat na mapapakinabangan ang bukal ng geothermal energy at linangin ito upang makapagbigay ng aabot sa 40 MW ng kuryente. Ayon sa mga prosesong umaayon sa mga may mga kaugnayang batas, ipinagkaloob ng Department of Energy (DOE) ang pagsasagawa ng exploration activities sa kumpanyang SKI, sa bisa ng paggawad ng Geothermal Resource Energy Service Contract (GRESCO) No. 2010-01-015.


Ang pagsasabatas ng R.A. 9513 ang siyang nagsilbing lakas upang suungin ng SKI ang pagkakaroon ng higit na malaking partisipasyon sa exploration at paglilinang ng mga bukal ng geothermal energy ng bansa. Bukod sa proyektong SBGP, ginawaran rin ng DOE ang SKI ng mga kaukulang kakayahan, ayon sa mga kaugnay na batas, upang linangin ang mga geothermal site na matatagpuan sa Tiaong (ang Tiaong Geothermal Power Project sa lalawigan ng Quezon at Batangas na may kabuuang sukat na 19,397 HA) at ang Tayabas-Lucban (ang Tayabas-Lucban Geothermal Power Project sa lalawigan ng Quezon na may sukat na 34,200 HA.


Sa kabuuan, ang service contract ng SBGP sa pagitan ng DOE at ng SKI ay nagtatakda ng limang taon. Ang unang dalawang taon ay para sa pagsasagawa ng exploration works at ng pre-development works kabilang ang pagrerebyu ng conduct of date, geochemical sampling, mga imbestigasyong geopisikal, pagsusuri ng datos, at ng pagsasaliksik tungkol sa bukal sa pamamagitan ng paghuhukay o pagbabarena ng mga exploratory well patungo sa kalagitnaan ng mundo. Ang susunod na tatlong taon ay ilalaan para sa full development stage, ibig sabihin ay ang paglalaan ng puwang sa kagubatan, mga well-drilling activity, at pagpapatayo ng mga gusali para sa mga geothermal plant, mga power turbine, mga toxic waste tailing pond at iba pang mga instalasyon, at gayundind ang pagpapagawa ng mga kalsada.

Malinaw na maganda ang proyekto, pinag-isipan ito ng mabuti, at malaki ang magagawa nito upang maisulong ang mga plano ng pamahalaan para sa sustainable development.

Gayunpaman, naudlot ang pagsasakatuparan ng proyektong ito gawa ng iba't ibang kadahilanan, na ang nakararami ay base sa mga palagay na lihis sa katotohanan. Ang mga palagay na ito ay may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan at pagtataguhyod ng kaligtasan ng mga mamamayan ng Bulusan, Juban at Irosin, sa lalawigan ng Sorsogon sa Bicol region.


Upang maunawaan ang kaganapan ng mga pangyayari, inaanyayahan namin kayong basahin ang  bawat isa sa mga posts sa blog na ito. 

Sa gayon, magkakaroon ng linaw ang mga bagay-bagay at mapananatili ang kaayusan sa mga usapin.





No comments:

Post a Comment