Saturday, January 19, 2013

Masidhing Pandaigdigang Interes sa Geothermal Energy


Ang World Bank at ang Sustainable Energy For All


Ang pagbibigay-suporta sa paglilinang at pagpapalawig ng geothermal energy sa mga developing country ay isa sa mga konkretong paraan upang maaskyunan ng Bank Group ang pandaigdigang inisyatibo na Sustainable Energy for All (SE4ALL) ng United Nations. Nilalayon ng SE4ALL na pagsapit ng taong 2030 ang makapagbigay ng pandaigdigang energy access, pagdodoble ng papel ng renewable energy sa pandaigdigang energy mix, at ang pagdodoble ng rate of improvement ng kalinangan ng enerhiya. Nakipag-ugnayan ang presidente ng Bank Group na si Dr. Jim Yong Kim kay UN Secretary-General Ban Ki-moon upang magsilbi bilang  co-chair ng advisory board na magbibigay ng kaukulang paggabay para sa inisyatibong Sustainable Energy for All.


Kung ihahambing sa iba pang anyo ng renewable energy, tunay na malaki ang kinakailangan kapital para sa mga proyektong nauukol sa geothermal energy sapagkat kinakailangan ang exploration upang matingnan ang atkwal na potensyal ng mga bukal ng geothermal, at kinakailangang magsagawa rito ng mga preliminary test drilling. Kinakailangang makapagbuhos ng investment ang isang developer kahit na wala pang garantiya na mababawi ito (rate of return) para lamang makita kung maaaring mapakinabangan ang isang bukal. Bukod pa rito, ang mga proyektong geothermal ay mas matagal ring umusuad mula sa kauna-unahang exploration activities hanggang sa operasyon ng planta at paglikom ng mga revenue. Gayunpaman, para sa mga bansang malaki ang potensyal sa geothermal energy, malaki ang maitutulong ng bukal na ito kung mapapakinabangan. Isa ring rehiyong tinatayang mayaman sa geothermal energy ay ang Silangang aprika, kung saan sinasabing ang geothermal potential ng Rift Valley ay sapat upang makapagsuplay ng kuryente sa humigi-kumulang 150 milyong kabahayan. Nakikipag-ugnayan ang Bank Group sa bansang Kenya sa Silangang Aprika at nagbibigay-suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng concessional funding para sa mga unang paksa ng geothermal development.


Sa kasalukuyan, halos 16 na porsyento lamang ng mga mamamayan ng Kenya ang may akses sa kuryente, kung kaya’t hangarin ng pamahalaan nito na doblehin ang paggamit ng geothermal energy upang makapagbigay ng malinis na kuryente, makatulong sa mga maliliit na negosyo, at paghusayin ang seguridad sa mga komunidad. Gayunpaman, lumalaki na ang papel na ginagampanan ng geothermal energy sa bansa sa pagprodyus nito na katumbas ng 13 porsyento ng kabuuang kuryente ng Kenya, at ang hangarin ay pataasin pa ang bahagdan ng hanggang 30 porsyento pagsapit ng 2020. Nakapagbigay na ng aabot sa US$300 milyon ang World Bank bilang suporta mula taong 1978[1].


Marami pang bansa ang kahalintulad ng Kenya pagdating sa potensyal sa geothermal energy. Ayon kay Pierre Audinet, ang Team Leader ng Clean Energy Program sa Energy Sector Management Assistance Program (ESMAP) ng World Bank, “For many developing countries, this is a potentially transformative resource.” Gayunpaman, kinakailangan ang pagkakaisa ng iba’t-ibang mga bansa, at naghahanda ang World Bank at ESMAP ng isang Global Geothermal Development Plan upang makapaglikom ng kinakailangang pondo para sa geothermal development. Ang mabubuong pakikipag-ugnayan sa mga ahensyang mamamahala sa bilateral funding at sa iba pang mga multilateral na bangko ay magtutuon ng pansin sa mga rehiyong tinatayang may malalaking potensyal at magbibigay ng pondo para sa test drilling. Sa gayon, layon nitong palawigin ang mga pribadong investment sa iba pang paksa ng geothermal value chain[2].

Patuloy na lumalago ang suporta ng World Bank Group para sa paglilinang ng geothermal energy. Mula sa US$73 milyon noong 2007, ito ay umakyat sa US$336 milyon noong 2012[3]. Ang bahagdan ng geothermal energy ay ang bumubuo sa 10 porysento ng kabuuan ng pagpapautang ng World Bank para sa renewable energy[4],  at maaari pa itong lumago dala ng naturang Global Geothermal Development Plan.






[1] ESMAP. Drilling Down on Geothermal Potential: An Assessment for Central America. (2012): Web
[2] Ibid.
[3] Ibid.
[4] Ibid.

No comments:

Post a Comment