Mga programa
at proyekto ng DOE para sa geothermal energy[1]
Layon ng DOE
na magsagawa ng panlabas at panloob na promosyon ng mga investment opportunity
para sa geothermal energy ng Pilipinas. Sa gayon, maeenggayno ang mga pribadong
sektor na magbuhos ng investment para sa geothermal exploration at paglilinang
nito, at gayundinang pagpasok sa bansa ng mga moderno at kapaki-pakinabang na
teknolohiya para sa geothermal energy. Ang mga programa para sa exploration kabilang
ang mga reconnaissance activity at semi-detailed studies ng mga potensyal na
geothermal area ay patuloy na ipapanatili upang makapagbigay ng
kapaki-pakinabang na impormasyon para sa
mga prospektibang mga developer at investor. Ang paglulunsad ng socio-economic
profiling para sa hindi bababa sa pitong prospect ay pananatilihin rin upang
magbiga ng kaukulang impormasyon para sa geothermal utilization demand sa mga
target area.
· Optimal
na paggamit ng mga non-power application – Bilang
testamento sa pagpupunyagi ng pamahalaang linangin ang non-power application ng
mga bukal ng geothermal ng bansa, may mga nilikhang proposal para sa isang
proyektong multi-crop dryer sa Leyte at proyektong pagpapahusay ng self-reliant
multi-crop dryer sa Manito, Albay. Sa Timog Negros kung saan matatagpuan ang Palinpinon
geothermal complex, isang proyektong nauukol sa pamamahala sa operasyon ng
isang lokal na kooperatiba para sa mga produktong agrikultural ang isinasagawa.
Dagdag pa rito, bumuo rin ng pakikipag-ugnayan ang DOE sa Department of Tourism
(DOT) at sa Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care
(PITAHC) upang lalo ipakilala ang mga hot spring area upang mabuksan ang
posibilidad sa paglilinang ng mga spa resort sa mga naturang lugar – at
maipapakita ng proyektong ito na ang geothermal energy ay maaari ring gamitin
para sa balneology at therapy. Magsasagawa rin ng site assessment sa apat pang
lugar kabilang ang Camiguin Island sa Cagayan, Mt. Apo sa Cotabato, Northern
Negros at sa Tuba sa Benguet.
Isang
Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan noong Mayo taong 2002 upang
bigyang-linaw ang antas ng kooperasyon sa mga kasapi ng mga naturang proyekto. Pangungunahang
ng DOT implementasyon ng proyekto at ito rin ang maghahanda ng mga investment
promotion package para sa spa resort development. Ang DOE naman ang tutuklas sa
mga pinakamainam na hot spring areas para sa mga spa resort development. Ang
PITAHC ang mamamahala sa pagbibigay ng training sa mga lokal na mamamayan para
sa therapeutic massage at sa paggamit ng mga herb at halamang-gamot sa therapy.
·
Masusing
promosyon ng geothermal energy – Layon ng DOE na palawigin ang
promosyon ng geothermal energy exploration at development. Upang ipakilala ito
sa mga mamamayan, magsasagawa ang Departemento ng mga public awareness campaign
bilang daan na rin sa pag-engganyo ng mga investment mula sa pribadong sektor
para sa mga geothermal projects. Gayundin, layon rin nitong isulong ang
pagtanggap sa geothermal energy at sa pagpapaisa ng mga mamamayan tungkol sa
mga usaping pangkalikasan at panlipunan na masusing naibabalangkas sa pagpasa
ng mga batas na NIPAS at IPRA.
Nakipag-ugnayan
rin ang DOE sa DENR tungkol sa posibilidad na gamitin ang mga geothermal area bilang
mga airshed. Sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) No. 2002-13 ng DENR, ang mga
geothermal airshed ay igagawad sa mga geothermal area na may mga kasalukuyang
aktibong proyekto at kabilang sa listahan ng PEP, at gayundin, ang mga lugar na
kikilalanin ng DOE at mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagkalat ng mga air
pollutant mula sa pagpapatakbo ng mga pasilidad ng geothermal energy. Ang mga
gabay na nakabalangkas sa naturang MC ay inaasahang makatutulong sa
pagbibigay-epekto at pagsunod ng sektor ng geothermal energy sa Republic Act
8749 o ang Clean Air Act.
[1] "Geothermal Energy." DOE Portal. Department of
Energy, 2005. Web. http://www.doe.gov.ph/ER/geothermal.htm salin sa Filipino
No comments:
Post a Comment