Friday, January 18, 2013

Pagtatangi sa Potensiyal na Geothermal: Ang Modelo ng El Salvador


Mapalad ang mga Bansang Kabilang sa "Ring of Fire"

Sa loob ng nakalipas na dalawang dekada, ang pandaigdigang installed geothermal capacity ay dumoble[1]. Gayunpaman, tulad ng nabanggit hindi pa rin lubusang napapakinabangan ang geothermal energy. Dahil kabilang rin sa Pacific Ring of Fire, isa ang Gitnang Amerika sa mga rehiyon sa mundo na masusing tumitingin sa geothermal energy bilang isang kapaki-pakinabang na bukal ng enerhiya. Tinatayang nagtataglay ang rehiyon ng angking potensyal para sa geothermal energy na aabot sa 13,000 MW[2]. Subalit sa kasalukuyan, hanggangg 506 MW lamang ang napapakinabangan ng rehiyon[3] habang nananatili itong nakatali sa pag-aangkat ng mga produktong petrolyo at iba pang fossil fuel.


Kilala ang El Salvador bilang “lupain ng mga bulkan,” at ito ang pinakamalalking prodyuser ng kuryente mula sa geothermal energy sa buong rehiyon (204 MW). Sa kabila ng isang pagsabog ng digmaang sibil noong dekada 80  at dalawang mapaminsalang lindol noong 2001, nagawa pa rin ng bansang linangin ang sektor nito sa geothermal energy. Sa katunayan, ang kuryenteng nagmumula sa geothermal energy na dumadaloy sa pambansang grid ay maaaring ikumpara sa kuryenteng nagmumula sa mga hydroelectric at fossil fuel na planta. Plano rin ng El Salvador palaguin pa lalo ang sektor na ito para sa hinaharap at upang makamit ang pagprodyus ng 40 porsyento ng kuryente ng bansa mula sa geothermal energy pagsapit ng taong 2020. Pinaplano ng geothermal developer ng bansa na La Geo na magdadag pa ng dalawang geothermal facilities sa Ahuachapán at Berlín, at gayundin ang pagtatatag ng mga exploration facilities sa tatlo pang mga geothermal fields.


Ang modelo ng El Salvador ay nakapagbibigay rin ng magandang ehemplo para sa iba pang mga bansa sa Gitnang Amerika upang linangin ang kani-kanilang mga bukal ng geothermal energy. Sa katunayan, tinatayang may higit pang malalaking potesnyal ang mga bansang Nicaragua, Guatemala, at Costa Rica[4].


Malaking bagay para sa El Salvador ang asiste ng pamahalaan nito para sa pagtutuklas at pag-aaral (exploration) ng mga potensyal na geothermal field ng bansa. Ang initial exploration stage para sa geothermal energy ay maaaring magkahalaga ng hanggang US$40 million[5] – at hindi ito nagbibigay ng garantiya na ang naturang geothermal field ay maaaring gamitin para sa operasyon at para sa return of investment sa bahagi ng developer.


Samakatuwid, hindi lamang ang mga bansa sa Latin America ang inuudyok na linangin at pakinabangan ang kanilang mga angking potensyal sa geothermal energy, ang mga bansa rin sa Silangang Aprika at Asya (kabilang ang Pilipinas) ay bahagi rito.





[1] "Installed Generating Capacity." IGA International Geothermal Association. IGA, 16 Jun 2011. Web.  http://www.geothermal-energy.org/226,installed_generating_capacity.html
[2] Salas, José Roberto Estévez. Geothermal Power Plant Projects in Central America: Technical and Financial Feasibility Assessment Model. (2012): Web
[3] Aheam, Sean. "El Salvador: The “Land of Volcanoes” and Geothermal Energy." Worldwatch Blogs. 8 Jan 2013. Web. http://blogs.worldwatch.org/revolt/el-salvador-the-land-of-volcanoes-and-geothermal-energy/
[4] Ibid.
[5] ESMAP. Drilling Down on Geothermal Potential: An Assessment for Central America. (2012): Web

No comments:

Post a Comment