Wednesday, January 16, 2013

Isang Paghahambing: ang Pilipinas at ang Australia




Sa pangkalahatan, ang bansang Australia ay isang ubod g progresibo, malinis, at mapayapang lugar. Malawak ang teritoryong sakop ng Australia, at ang bawat isa sa kanyang mga Estado ay maayos ang pamamalakad. 

Sagana rin sa pagpapala ng kalikasan ang Australia. Iba't ibang uri ng mga hayop at halaman ang matatagpuan doon, at marami sa mga ito ang likas na doon lamang matatagpuan, tulad ng mga kangaroo.

Sa kabila nito, ang Australia ay tinukoy bilang pinakamaraming nailalabas na greenhouse gases sa hanay ng mga bansang mauunlad. Ito ay dahil nakaasa ang Australia sa coal at fossil fuels upang tugunan ang kanilang mga pangngailangan sa enerhiya. Dahil sa situwasyong ito, tinutukoy din ang Australia bilang bansang pinakananganganib makaranas ng mga epekto ng climate change.

Para sa Clean Energy Council (CEC) ng Australia, malaking pangangailangan na ang aksyon ng mga pangunahing ekonomiya sa mundo upang mabawasan ang carbon emissions ng planeta upang hindi na lumubha pa ang epekto ng climate change. Kung kaya't nakikita rin ng organisasyon na dapat paigtingin at pabilisin ang paglalatag ng mga clean energy technology at gayundin ang pagsusulong para sa mga panibagong teknolohiyang pang-enerhiya na malinis, sapat sa pangangailangan, at abot-kaya.

Ang geothermal energy ay may potensyal at kakayahan bilang maging pangunahing base load, bukod pa sa kakulangan nito sa mga mapaminsalang carbon emissions. Isa itong mahalagang anyo ng  renewable energy na kayang makapagsuplay ng kuryente na maaaring maging kompetitibo sa pagpepresyo sa kumbensyonal na enerhiyang mula sa mga fossil fuel. At dahil ang Australia ay mayroon ring likas na bukal ng geothermal energy, maaari itong magsilbing isang napakahalagang yamang-enerhiya para sa bansa. Ang pagdulot ng geothermal energy ng kuryente ay tuluy-tuloy at walang tigil, hindi katulad ng hangin o solar na nakadepende sa mga panlabas na salik. Kung kaya’t para sa CEC kung maibibilang ang geothermal energy sa energy mix ng bansa, ito ay magsisilbing mahalagang salik para sa isang hinaharap na sustainable.


Para sa CEC, ang Australia ay may potensyal na magkaroon ng isang sektor ng geothermal na maaaring makilala sa buong daigdig. Ang bansa ay sinasabing magandang  lugar upang linangin ang mga bukal ng geothermal energy nito gamit ang mga panigabong teknolohiya, dala ng pagkakaroon nito ng mahabang kasaysayan sa siyentipikong kalinangan at pagsasaliksik. Gayunpaman, habang maraming mga kumpanya sa bansa ang nakakakita na hindi pa hinog ang kasalukuyang panahon para sa mga teknikal na proof-of-concept, marami na ring mga kumpanya ang nagsasagawa ng mga mahahalagang pagsasaliksik at pagpapalawig upang lalong paghusayin ang mga kasalukyang kaalaman sa geothermal energy o ‘di kaya’y lumikha ng panibaging teknolohiya at metodolohiya.


Gayunpaman, sa kabila ng pangunguna ng Australia sa pagsasaliksik at paglilinang  ng mga di-pangkaraniwang geothermal system, ang pag-engganyo ng kinakailangang kapital at investment ay maaaring maantala kung ikukumpara ang mga lower-risk opportunity na dala ng mga financial incentives mula sa pamahalaanan ng ibang mga bansa. Dahil may kakulangan sa isang malinaw na balangkas para sa polisiya at sa seguridad sa pagpepresyo ng kuryente para sa mga renewable energy developer, para sa CEC nahuhuli pa rin ang Australia kumpara sa ibang mga bansang nag-aalok ng mga insentibo katulad ng mga low cost loan, feed-in tariffs (FITs), risk mitigation scheme at mga private insurance scheme. Ang investment ng pamahalaan, lalo na sa mga pangunahing paksa ng geothermal energy development, ang siyang makapagpapalawak ng pagsusulong ng sektor ng geothermal energy ng Australia. Pagdating rin ng panahoong ito, saka mapapatotohanan ang mga pagtataya sa geothermal energy capacity ng bansa (maximum 2,340 MW; minimum 1,639MW).

Kaugnay ng pagdevelop ng geothermal energy, kung ihahambing natin ang kalagayan ng Australia sa kalagayan ng Pilipinas, kung ang pag-uusapan na rin lang ay ang todo-todong suporta ng pamahalaan, at sa laki ng potensiyal ng enerhiyang ito sa bansa, masasabi nating angat ang Pilipinas

Kaya't dapat ay hinahon at masusing pag-aaral ng mga datos ang ating gawin, sa halip na magpatangay tayo agad sa mga haka-haka na lihis sa katotohanan.

Mabuting kapakanan nating mga Pilipino sa kasalukuyan, at sa mga darating pang henerasyon, ang siyang nakataya.




No comments:

Post a Comment