Tuesday, January 15, 2013

Bakit Nauudlot ang Proyekto?



Mga pagsubok na kinakaharap ng SBGP



May mga pagsubok na kinakaharap ang Southern Bicol Geothermal Project o SBGP, kung kaya’t hindi nagiging tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng proyektong ito ng pamahalaan. Sa madaling sabi, mayroong oposisyon sa proyekto.

Ang oposisyon ay naglahad na sa publiko ng kanilang mga argumento kung bakit diumano ay dapat nang itigil ang geothermal exploration, nang sa gayon ay hindi na maitayo ang geothermal plant balang araw, sakaling mapatunayan sa pamamagitan ng sayentipikong pananaliksik, kung ang potensiyal nga ba ng geothermal energy sa exploration area ay maaring pakinabangan sa nalalapit na hinaharap.

Ilalahad dito ang mga agam-agam ng oposisyon. At bilang pag-ayon sa makatuwirang pagbalangkas, ipahahayag na rin ang mga katotohanan na katapat ng mga agam-agam na ito.


Ipinasa ng local legislative council ng Bulusan ang Bulusan SB Resolution No 55-2011. Ang resolusyon, na lalong nagpatibay sa oposisyon ng lokalidad sa SBGP, ay inaprubahan ni Mayor Michael Guysayco. Ayon sa naturang resolusyon, ipinagbabawal ang kahit anong gawain na may kinalaman sa SBGP sa loob ng jurisdiction ng bayan, na sumasakip sa anim na barangay sa loob ng BVNP. May binuo ring brigada ng mga Wildlife Environmental Officers (WEOs) upang maipatupad ang resolusyon. Ang grupo ay binuo sa ilalim ng “PRESERVE”, na isang United Nations Development Program (UNDP)-funded project na naglalayong makiisa sa mga komunidad sa loob ng BVNP na sakop ng munisipalidad. May 400 miyembro ang grupo mula sa mga barangay sa loob ng BVNP na sakop ng munisipalidad, at sila ay nakatakdang atasan bilang mga forest ranger ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Ayon kina Celestino Frades and Pedro Frando, mga konehal at mga prinsipal na awtor ng resolusyon, ang mga probisyong nakapaloob rito ay nakabatay sa mga mandatong isinaad ng Republic Act 7586 (ang National Integrated Protected Areas System Act of 1992 o NIPAS) na kumikilala sa kahalagahan ng pagbabantay sa natural biological at physical diversity ng kalikasan. Binabanggit rin ng resolusyon ang Bulusan’s Comprehensive Land Use Plan (CLUP) na isang istratehiyang ekologikal batay sa pagkakaron ng pro-environment na paniniwala ng mga mamamayan. Kinikilala ng CLUP ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pagkakaisa laban sa pananamantala ng mga likas na yaman ng lugar.


Ayon kay Arze Glipo, direktor ng Integrated Rural Development Foundation (IRDF), “the people don’t like the project because they know that in similar cases in other areas, water was affected, and of course, the forest and environment as well. We’re not against development, but we’re for development that will benefit a lot of people. Geothermal companies will benefit from the project, but what about the people? Madaming under capacity na geothermal plants that they can improve. Why do they have to exploit pristine areas?” Dagdag pa ni Glipo, hindi lamang nagsisilibi bilang tourist attraction at natural park ang BVNP, ito ay isa ring watershed. Sabi rin niya, naging matipid ang DOE sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa proyekto. Aniya, “Yung information campaign nila is limited to the officials lang…”

Ang iba pang organisasyon na tutol sa SBGP ay anng Coalition of Constituency and Organizations Resiliently Against Geothermal Energy (CONTRA GE), AGAP-Bulusan, Protected Area Management Bureau (PAMB), at Irosin Coalitin Against Geothermal (ICAG).

Ayon kay Ester Hamor, alkalde ng Casiguran, ang epekto ng mga exploration activities ay kinakailangang isaalang-alang muna bago tingnan ang mga ekonomikong bentahe nito. Aniya, “Economic gains are but temporary and short-lived but its effects to the environment would linger up to the generations next to us.” Para naman kay Jaime Fragata, alkalde ng Juban, “I am personally apprehensive over this project because it would involve the possible destruction of our remaining forest resources that serve as our protection from natural calamities like floods, landslides, and volcanic eruptions.” Dagdag pa niya, maraming mga barangay ng Juban ang maaapektuhan kapag nasira ang kagubatan sapagkat ang munisipalidad ay nasa Kanlurang bahagi ng Bulkang Bulusan. Gayunpaman, kalaunan ring inaprubahan ni Fragata ang proyekto para sa bayan. Ang alkalde ay dating nagsilbing empleyado ng BacMan geothermal project sa Sorsogon.



Subalit kung tutuusin, ang mga aprehensyong ito ay nakabatay sa mga haka-haka lamang. sapagkat ang  exploration activities ay isasagawa sa labas lamang ng BVNP. 

Isa pa, bukod sa pagkakaroon ng mga proyektong watershed at reforestation, magkakaroon rin ng programang livelihood ang proyekto na makapagbibigay-trabaho sa mga tao at makapagbabantay sa integridad ng kalikasan, katulad ng pagtatalaga ng mga forest ranger upang bantayan ang kalikasan.


Para kay Peter See, isang mamamayan ng lalawigan, ang SBGP ay makatutulong sa mga lokalidad at komunidad. Para kay See, may pagkukulang ang kaniyang mga kababayan sapagkat bukod sa aniyang patuloy na pagtingin sa proyekto batay sa mga haka-hakang walang pagpapatunay, hindi nila tinitingnan ang labis na pangangailangan ng lalawigan para rito. Ayon rin sa kaniya, ang mga may pinakamasisidhing pagtutol sa proyekto ay hindi naman ang mga karaniwang mamamayan, bagkus ay ang mga may-lupa at nakaririwasa na may angking aprehensyon na maapektuhan ng naturang proyekto ang teritoryo ng kanilang nasasakupan.


Kamukha nito, nakikita rin ni Romeo Polo, isang Municipal Councilor sa Irosin, ang relasyon ng pagsulong ng ekonomiya sa paglinang ng enerhiya, kung kaya’t sinusuportahan niya ang SBGP. Bukod pa rito, pinahahalagaha ni Polo ang paggamit ng renewable energy kabilang ang geothermal energy sa gitna ng lumulubhang problema ng global warming at climate change. Kung kaya, para sa kanya ay hindi makatarungang hindi man lamang mabigyan ng pagkakataong malinang o kahit mapag-aralan ang katutubong bukal ng geothermal energy sa lalawigan.






No comments:

Post a Comment