Saturday, January 5, 2013

Ang Pagpapahalaga ng Pamahalaan sa Renewable Energy



Ang Renewable Energy at ang Pilipinas


Maraming hakbang ang tinatahak ng pamahalaan upang maisulong ang Pilipinas tungo sa isang magandang hinaharap sa pamamagitan ng sustainable development. Upang maisakatuparan ito, ang mga mamamayan at mga industriya ay kinakailangang mabigyan ng seguridad sa enerhiya. 

Gayundin, mahalaga ring kilalanin ang pagkakaroon ng isang balangkas na makabubuti para sa kalikasan upang maisakatuparan ang minimithing sustainable development. Ito ay makikita sa pagsasabatas ng Republic Act 9513 o ang Renewable Energy Act ng 2008 kung saan nakabatay ang National Renewable Energy Plan o NREP.


Ang mga yamang-enerhiya ng bansa na renewable ay hindi lamang maaaring magsilbing mahalagang salik upang makapagbigay ng seguridad sa enerhiya at daan para higit na maraming mamamayan ang makapakinabang sa malinis na uri na ito ng enerhiya.

Ang mga anyo ng renewable energy ay makapagbibigay rin ng alternatibong solusyon sa mga problemang kaakibat ng malawakang paggamit ng mga produktong petrolyo katulad ng pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang merkado at pagtaas ng carbon emissions. Ang sektor ng renewable energy ay idineklara ng pamahalaan bilang mahalagang bahagi ng Investment Priorities Plan (IPP) ng bansa.



No comments:

Post a Comment